Martes, Marso 27, 2012

KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSASA PILIPIAS

Ang ating bansa ay isa sa mga bansang may pinakamaraming jalekto o wikain.Sa mahigit na pitong libong pulo mayroon tayo, may higit sa isandaang iba't ibang jalekto o wikain ang ginagamit. Bawat rehiyon ay may sari-sariling wikain o mga wikain. Dahil dito, naging napakahirap ang pakikipag-ugnayan natin sa isa't isa. Nagkaroon tuloy tayo ng suliranin sa pagkabuklud-buklod at pagkakaisa.

    Kung tutuusin, hindi sana tumagal ng mahigit tatlong daan at tatlumpu ang ating pagkakaalipin kung noon pa mang unang taon ng pananakop ay may isa nang malawak na wikang nauunawaan at ginagamit ng nakakaramiung pilipino.

Biyernes, Marso 16, 2012

BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

"Sinuman ang walang may pagkakakilanlan sa ibang wika ay wala ring pagkakakilanlan sa kanyang sarili."
                                                                                                       -Goethe-

     Ano nga ba ang kahulugan at kahalagahan ng barayti ng wika?May iba't ibang uri din ito.Ang salitang barayti sa simpleng pagpapakahulugan ay tumutukoy sa pagkakaroon ng pagkakaiba-iba.Ayon sa kasabihang Ingles "variety is the spice of life."Sa madaling salita,nakadaragdag kulay ito sa buhay ng mga tao.Mahalaga din ito dahil nagagawa nitong mapaunlad ang isang wika sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga salitang gagamitin ng isang lipunan.Napaparami din nito ang iba't ibang katawagan ng isang salita.Natutulungan nito ang mga tao na makapamili ng mga salitang gagamitin sa pinakaangkop na paraan.Napapalawak din nito ang iskolarling pananaliksik pangwika.Kung tatanawin, sadyang napakabilis ang development ng wika.Ang development na ito ay siyang nagiging dahilan kung bakit mabilis ding nagkaroon ng mga bagong salita sa kasalukuyang panahon.

Lunes, Marso 12, 2012

KAALAMANG PANGWIKA

KAALAMANG PANGWIKA

Inilalahad dito ang mga kaalamang pangwika na tutulong upang maging malinaw sa ating lahat ang mga kasalukuyang pananaw hinggil sa pag aaral ng wika.

         Ano nga ba ang wika?Ano ang kahalagahan ng wika?Kapangyarihan ng wika?Mga gampanin ng wika?Mga katangian at tungkulin ng wika?Teorya sa pagkatuto ng wika at antas ng wika?Lahat ng niyan ay may kanya-kanyang uri at depinisyon..

     
        "Wika ang siyang tagapagpahayag ng mga ideya;sakali mang hindi mapangalagaan ang identidad nito,tiyak na mawawalan din ng saysay ang mga ideyang nakapaloob dito."

                                                                                                           -NOAH WEBSTER-

         Mahalaga ang wika sa ating lahat.Ang wika ay mula pa noong kapanahonan ng mga Espanyol.Kung walang wika.Sa tingin niyo po ba magkakaintindihan pa kaya ang mga kapwa tao dito sa ating mundo.Kaya malaki ang naitutulong ng wika sa atin.Halimbawa,paano magkakaintindihan ang isang Ilokano sa Tagalog kung hindi ka naman marunong sa salitang pang wika.Kaya huwag natin balewalain ang mga bagay na sobrang importante sa ating buhay.Ayon sa aking napag-aralan na ang wika sa simpleng pagpapaliwanag ay ang kalipunan ng mga salita na ginagamit ng isang lipunan.
         Mahalaga ang wika para sa ating sarili.Hindi lang sa ating sarili kundi para din sa ating kapwa at sa ating lipunnan.May kapangyarihan din ang wika na maaaring makapagdulot na ibang kahulugan.Nagdudulot din ito ng polarisasyon.Kaya napakahalagang pag aralan ang wika para sa ating kinabukasan.Huwag balewalain ito.